Tuesday, May 24, 2011

ANO BA TALAGA ANG GUSTO NG LALAKI SA BABAE ?


Demanding ang mga lalaki - gusto straight, gusto kulot, gusto long, gusto short, gusto payat, gusto chubby, gusto simple, gusto fashionista. Ay naku, ewan! Ano ba talaga?! Di ba pwedeng sabihin nalang na,  

 
"Kahit ganito ka. Kahit ganyan ka. Kahit ano ka pa. Maganda ka at mahal na mahal kita."

 Maraming babae ang sasang-ayon dito. Madaming lalakeng eepal. Pero sad to say, di naman kami mga tanga. Di niyo siguro napapansin na unconsciously, ginagawa niyong Barbie doll ang mga girlfriend niyo. Di naman namin kayo ma-blablame kasi nga nka set na sa utak niyo na ganun kayo mag-function. Eh di sana nag'malfunction nalang kayo kung ganun! Haha. Pero di nga. Balang araw siguro marerealize niyo rin. Pag kaming mga babae na ang mag-demand ng kung anu-sno sa inyo. And mind you, masakit ' un. Masakit na masakit pag di ka kayang tanggapin kung sino at kung ano ang meron at wala ka ng mahal mo.

Tinatanong niyo siguro kung paano ako nakakasigurado at ba't ko 'to alam? Eh nagka-boyfriend din naman ako na demanding.  At kahit alam kong di niya sabihin, madami siyang gustong baguhin sa mga panlabas kong aspeto. May mga lalaki din akong mga kaibigan at kabarkada, at yun na nga ang nangyayari. Pinag-uusapan ang syota. Wooo. Nung nanliligaw palang, halos sambahin at gawing diyosa pero pag naging sila na, panay ang reklamo, panay gustong baguhin! Tama ba ako o tama ba ako? Hahaha.

Minsan nakakasakit tayo ng damdamin ,.nagkakarelasyon ng di naman pala gusto ng isa ang karelasyon.....para maging fair di ba dapat ang mahalin lang natin yung gusto natin?
Ano ba talaga yun?mahirap ba hanapin?

Hindi naman talaga natin masasabi kung ano gusto natin eh. sometimes we set parameters kung anong uri ng tao ang mamahalin natin. pero we still fall sa isang tao kahit wala sa kanya ang hinahanap natin. we just fall in love no reason needed at all... right ... we just fall in love for no reason at all wala naman kasing magsasabi ng ganun sa isang tao, kasi di mo alam ang gusto mo pag nakita mo yung guy/girl na yun...tuloy2 lang di ba.... hanggang ma feel mo na totally in love ka na. 

to be continue..^_^v

Thursday, May 19, 2011

B.A.B.A.E

buddypoke
Ang sa akin lang: Ito ay pawang obserbasyon lamang at base sa mga karanasan at karanasan ng malalapit na kaibigan.  Kung ikaw ay lalake, makakatulong ito sa iyong pananaw at kung ikaw ay babaing malawak ang isip, makakatulong din ito pero kung ikaw ay pikon…walang personalan..:) 

Masaya kang babae ka.
buddypoke
Pagkapanganak palang sa’yo ni inang reyna, awtomatik na ginawa ka nang prinsesa ng buong kaharian ng bahay. Swerte kung wala nang isa pang prinsesitang dumating kung meron ok lang naman, Kumbaga sa panganay at bunso, pag nag-iisa kang babae…paborito ka ni tatay. Iwas palo ka kay nanay dahil hebigats ang kakampi mo, banggain nila ang haligi ng tahanan ewan ko lang.


Sabi nila, ang mga babae daw ay pabago-bago ng isip. Umoo na kanina, wala pang limang minuto binabawi na nito ang sinabi. At may kung anu-anu pang dagdag na sasabihin.


Mashadong maselan. Ayaw kumain sa karinderya o gotohan na nakapwesto sa gilid ng mga nakaparadang pampasaherong sasakyan. Ayaw maglakad pag mainit lalo na pag naulan. Ayaw maupo kung saan-saan. Ayaw ng sinisiksik. Ayaw ng nadadantayan o kahit na madikitan. Ayaw nang pinipilit lalo na kung indi kagandahan ang lugar na pupuntahan.


Demanding. Gustu laging nasusunod ang layaw. Lagi dapat pagbigyan at pakikinggan. Pag indi mo ginawa ang gustu, parang armalite ang bibig…bratatat ng bratatat parang nanay na nanenermon tuwing umaga.  Kung anu ang maisip gawin, yon ang kailangang nasa unahan ng listahan.
buddypoke
Bintangera/Dudera. Konting bagay binibigyan ng kahulugan. Mahilig mag-ungkat ng tapos na. Hukay ng hukay kahit na agnas na sa katagalan ang isyu, sige pa rin ito sa kakabratatat. Makita lang na me kausap ka at mabanggit na pangalan ng babae parang telenobelang inabot ng limang taon sa tagal ng pagsasalita.

buddypoke

Imbestigador. Kakalkalin lahat mula friend’s list sa social network accounts, cellphone, wallet, bag, pabango, kikay kit (uo, me lalaking meron neto), pati laman ng ipod (baka nasa favorites mo pa rin kase ang theme song n’yo ng ex mo way back 10 years ago…musta na naman). haha
buddypoke
buddypoke 
Your mother’s advocate. Daig pa si mader kung makatanong ng mga lakad. Oras ng uwi. Sinu ang kasama (baka naman me mga babae pa kayong kasama ha? Tipong kala mo biro pero seryoso pala.) Ang panenermon, walang pinag-iba ke mader…edad lang at wrinkles ang kaibahan. Minsan mako-confuse ka na kung ina mo ba o ina ng anak mo ang karelasyon mo kasi same-same lang. Okay na sana kasi kasing-galing ng nanay mo pagdadating sa pagluluto eh pati pag-aalaga sa’yo pero pati yata nanay mo kuhang-kuha, parang clone na niya.




buddypoke

Mayaman. Dahil sa kanya, yayaman ka. Oo, yayaman ka sa utang. Kabibili nito ng kung anu-anu na “kailangan” daw niya, ni baby, at sa bahay.. pampaswerte, nakita daw niya sa bahay ni kumare, matagal na raw niya pinapangarap magkaron ng ganito-ganyan, at marami pang iba. Shempre, mahal mo eh. At para naman kasing me choice ka, pag humindi ka…papangit ang mood nito at magsasa-toyo na siya buong araw hanggang sa pumayag ka. Parang blackmail lang. Pero pag oo ka agad, bigla kang magiging pogi, mabait, swerte siya sa’yo at ikaw ang nakatuluyan niya, meron kang “bonus” mamaya pag-uwi, super mega maasikaso siya sa’yo at kulang na lang halikan ang iyong talampakan. Mga ganung bagay ba.

buddypoke

Nostradamus. Indi mo pa ginagawa, meron na siyang konklusyon para dito. Para bang in born talent niya ang magbasa ng pyutyur. Kung gayon, anu pang silbi ni Madam Auring at Jojo Acuin kung narito na mismo sa bahay n’yo ang pinakamagaling na manghuhula in town? :) Indi ka na gagastos pa para pumunta sa Quiapo at maupo sa harap ng mga fortune teller dun o kahit magchaga na silipin ang horoscope sa dyaryo kung tuwing umaga bago ka umalis eh meron ka nang daily dose nito kasabay ng almusal mo?

buddypoke

Taga-palaman. Ang sinasabing numero uno sa pag-ispred ng cheeeeese (chismis) next to Boy Abunda. Sinu ba ang madalas na nakikita n’yo sa labas ng bahay kausap ng mga Cheese-makers habang nagwawalis, Kung meron umpukang sunog baga sa kabila, neber nawawala miski sa harap ng tindahan ang mga sari-saring kuru-kuro ng mga maybahay na malimit napapansin ang mga bagay-bagay sa paligid nila bukod sa showbiz. At indi lang yan, kahit saang lupalop ng lugar…merong “girl talk” na nagaganap. Shempre, cheesers circle lang yan iikot.

buddypoke

Pero mas marami pa dyan ang advantage at positive side ng pagiging babae. (Tama? tama!!)

Kung walang babae, wala rin tayo, tama?

buddypoke

Kung walang babae, walang direksyon ang buhay. Walang matiyaga at malimit na magpapaalala ng mga dapat at indi dapat gawin. Ang unang magtuturo bilang magulang ng mga tama at mali at magtutuwid ng mga ito katulong ng ating ama.

buddypoke

Kung walang babae, magulo ang bahay. Kahit pa sabihin n’yo na maiingay sila habang naglilinis…at the end of the day, mag-aasikaso pa rin ito ng kakainin at isusuot kinabukasan. Indi nila kayang tiisin na gawin ang mga bagay na ito para sa mahal sa buhay.

buddypoke


Kung walang babae, walang magbabadyet. Ang hirap kayang pagkasyahin ang sweldo ni tatay para hatiin sa lahat ng gastusin sa bahay. Nakasalalay sa maayos na paghahanay na matugunan lahat ng pangangailangan.


buddypoke

Pag nagakakasakit, sinu ba ang madalas na nandyan? Ang babae diba? Si nanay, si tita, si ate….ang matiyagang nagbabantay at nag-aalaga.

buddypoke


Likas sa babae ang pagiging maalaga, nurturing, being the softer side. Mas pumapangibabaw ang pagiging ina/babae sa anumang aspeto ng pagdedesisyon. Emosyonal at kahit na gaano katigas ang paninindigan, umiiral pa rin ang pagkababae nito. Oo nga’t maiingay, mahilig manermon, nagger, laging kunsumido…alam naman nating lahat na nagpapaalala lang ito sa tuwinang gagamitin ang power of mouth. Kapag maingay na kasi, awtomatikong napapasunod ka na lang. Sinu ba rito ang indi narindi sa ingay ni nanay sa loob ng bahay lalo na pag nahahayblad ito sa kakulitan natin?


buddypoke


Diba’t minsan, kapag wala ka na sa poder nila maaalala mo palagi ang mga paalala nito na kahit na sa pagitan ng tinis ng boses, na-gets mo yung gustu nilang sabihin? Yung message na gustu nilang magpenetrate sa utak natin?

Yun lang naman ang goal nila eh. Yung pakinggan at intindihin dahil alam nila kung anu ang mas makakabuti. Dahil walang ina’ng nag-isip na mapahamak ang mahal sa buhay. Yan ang babae. Isa na marahil sa purpose ng pagiging isang babae ang maging isang ina. Mabuting maybahay. Ang maging better half. Ang umalalay at sumuporta.

buddypoke

To be that woman behind that successful partner.


Mapa-lalaki o babae, may kanya-kanyang flaws. Indi naman mawawala yan eh. Kaya nga we learn from it day by day.

Wednesday, May 18, 2011



Ito nga pala ang mga bago kong natutunan sa Buhay.. :)




1. Paghahanap ng trabaho = pasensya
Bakit?: Dahil paghihintayin ka nila ng bonggang bongga (mga HR people) at minsan hindi ka naman tatanggapin. *take a Deep Breath!:D

2. Kailangan plastic ka ng bahagya
Bakit?: Dahil kailangan mong kumbinsihin ang mga tao na ikaw ay isang POSITIVE FORCE OF NATURE. Yung tipong hindi ka makabasag pinggan.

3. PERSEVERANCE is the KEY
Bakit?: Sapagkat pag tamad ka wala kang mapapala

4. Ang silbi ng INTERNET ay para Mag hanap ng maaplyan at tingnan ang MAPA ng MAKATI!
Bakit?: HAHA... malaking tulong ito lalo na sa hindi tumira sa Manila ng matagal. Self explanatory naman diba?

5. REJECTION = SOMETHING BETTER
Bakit?: God's will. Yun lang yon. Hindi iyon ibinigay sayo dahil hindi iyon para sayo. Ngunit hindi ito ang rason upang ang isang tao ay tumigil. Lalong wala namang mapapala iyon sa buhay.

haha. . fresh graduate lang ako.. .
napakahirap maghanap ng trabaho ngaun.. . sabi nga kailangan ng tiyaga para makuha mu kung anu man ung inaasam mo.. . pero panu kung pagod ka na? pero sabagay kakagraduate ko lang naman pero nagrereklamo nako agad.. . haha
sana makahanap na talga ko ng work!!! nbobored na ko!>.<

i'll try and try until i succeed.. . kahit sang lugar basta may work wag lang illegal nako kundi patay ako dyan.. . hehe.. .

Kaya friends bawal munang humingi ng libre. Tsaka na. :)

(>_<)!


Hindi ko alam kung san papunta tong Entry ko!! Etong mga nakaraang araw, parang blanko ang utak ko.. walang ganang mag isip at walang husay ang takbo..

Gulo ng mundo..masaya ka in the outside pero deep inside..gusto mo na sumabog..hirap itago minsan..pero minsan kaya pa naman..tatanong ng mga bagay bagay komplekado ang sagot..it seems like everything is just so complicated..the unknown..

kinakabahan ako,,ayoko magaya sa kanila..
napepressure na ko!!
gusto ko sumigaw ng malakas sa lugar na walang nakakakita sakin
ngayon ko lang naramdaman to, yung ganito..
ayoko bumagsak..
kailangan mamili ng priority.
at kailangan kalimutan ang mga luho para magsurvive..

Ngayon pa lang ramdam ko na ang pressure.. pero i try to be calm at all times, dahil sabi nga nila wag kang aayaw think positive..kaya ko yan at di ako mawawalan ng pag-asa. kailangan ko lang kontrolin ang sarili sa paggastos at sa mga vices.

Kasi sa buhay
hindi daw pwedeng papatay patay ..
kung hindi matatalo at mapapag-iwanan..
para sa akin..dapat habang may panahon..
pahalagahan natin ang sarili natin..
matutong makipagsabayan sa hamon ng buhay dahil dito tayo nagiging matapang.
kung minsan,sumusugal atyo sa mga bagay na hindi naman tayo sigurado,
ngunit dito naitatama natin ang mga pagkakamali natin at mas nagiging matapang tayo..

Samakatuwid kailangang gumawa ng paraan upang ang aking mga talents ay magamit ko naman kahit paaano. >_<!

Wednesday, May 11, 2011

Out of Words

                     
            I am so pumped up. but it seems that i am running out of words. i don’t know. have you ever felt the same? like, you are so excited to type. but then, when you’re already in front of the monitor. and your hands are fully set on the keyboard. there’s this sudden mental block. it’s like there’s something on the tip of your tongue (where the words just stay there, and won’t let go), but your fingers just won’t allow you to type them. i don’t know, it feels weird. really.

Tuesday, May 10, 2011

JEALOUS?

WHAT MAKES YOU JEALOUS?
WHY ARE YOU JEALOUS?

This is just my opinion, and i don't want to offend anybody around.

Selos ka ba? bakit? sa anong dahilan? Bigat dalhin sa dibdib, tinatalo ng damdamin ang pag-iisip, minsan nalalason pa nga at kung saan napupunta. Hindi ba kayang pigilan ang pagseselos?
Dahil sa selos, ang tama nagiging mali na. Selos, isang ugat ng di pagkakaunawaan, ng hiwalayan, ng iyakan, sa sakitan physically, ng palitan ng masasakit na salita, ng sumbatan at nung kung ano-ano pa..
Dapat Kapag nagselos, wag yung puro hinala lang..naku, mahirap yan! Dapat may evidence, kasi kung wala, talo ka na. Para kang lumalaban sa court, you need to have an evidence, kapag meron di hindi na siya makalusot di ba?

Ang dami kasi ng dahilan ng pagseselos, dami rin ng klase ng pagseselos..selos sa kapatid, selos sa magulang, selos sa kaibigan, selos sa trabaho..pero matindi ay ang selos sa mahal mo..Wow! ang sakit niyan..!!! Magkalayo man o magkasama, naroon pa rin ang selosan..well, mas mahirap kapag malayo sa iyo, kasi ang temptation nariryan lamang sa tabi-tabi..at kung mahina ka..lagot..i'm sure bibigay ka..kaya magpakatatag ka..

Paano kaya natin pipigilan ang pagseselos, hirap kasi, dahil damdamin mo ang nakasalalay..nasasaktan ka, naghihinala! Lalo na kung may history of......, alam mo na yon! kasi nawawalan ka na ng tiwala..IYON..THat's it, para maiwasan siguro natin ang selos..WE NEED TO TRUST OURSELVES AND OUR PARTNERS..

papano ko ba tatapusin ito???? What is the difference of JEALOUSY TO ENVY?

ay ibang topic na pala ito..!!!! hahaha.:))

Sunday, May 8, 2011

Miley Curlz

Nagtataka ka siguro kung saan patungkol ‘tong entry na to. Di ko rin alam e, wala kasi akong maisip na topic na mai-she-share ko ngayon. Bakit ba naman kasi ipinanganak akong bored na bored sa buhay e. *buntong-hininga.. Kamuka q ba yung nasa Picture? hahaha.. wala nmn masama mangarap ng katulad ng buhok ni Miley Cyrus..

Ano bang gusto mong malaman at nagbabasa ka ng kung kani-kaninong blog? Wala ka ring magawa no katulad ko?? Hahaha.

Hmmm.. Eto nlng mgnda ishare para sa mga hindi nkakaalam.. kaya q naman nailagay ang picture na yan kxe..

“Frustrated ako sa kulot kong buhok.”
(Sana Instant nlng ang pagkakulot ng hairq katulad kay miley)

Alam mo ba kung gaano kahirap magkaroon ng kulot na buhok? Ewan, lahat naman siguro, di kuntento sa buhay. May mga straight nga na nagpapakulot pa e, sana nagkapalit na lang kami.
Ang haba-haba na nitong buhok ko, at malapit na ulit syang bumalik sa dati. Lumalabas na ang Sumpa. Haha:)) 5 months palang na rebonded ‘to e, ang daya, dapat 7 months to tumagal. Kung sabagay tumagal nmn ang pagkarebond.. problema.. angbilis humaba ng aking buhok. Haist!:))

Kawawa nmn yun buhok ko.. sa katunayan.. nkaka APAT na beses na ako nakapag pa rebond.. ilang libo na din ang aking nawawaldas ng dahil lang sa Buhok ko.. Isa pa it takes an Hour para lang maayos ko ang buhok ko pero kahit anung gawin ko dito lalabas at lalabas pa dn ang tatak ng sumpa.. Alam ko nmn solusyon sa problema ko e. it ay ang Pag paparebond Ulet.. haist! Nkakapagod un ahh yung mag hhintay ka ng anim hanggang walong oras sa parlor.. Hindi un biro., Try mo.. hahahaha.. 

Ang sabi ng iba, yung maaarte lang daw ang nagpaparelax at rebond ng buhok. Yung mga taong hindi kuntento sa sarili nila. Bilang pagtanggol sa mga nagpapatuwid ng buhok , ang sabi ko naman, hindi iyon kaartehan. Gusto lang nila na maging maganda at iyon ay masarap sa pakiramdam. 

Napaisip na naman ako. Ano ba ang pakialam nila sa kulot kong buhok? Sa kulot naming buhok? Wala. Hindi naman sa kanila ito at hindi kailanman mapapasakanila! kahit ano pa man ang itsura ng aking buhok. Basta para sa akin, lagi lang itong mabango (mabuhay aromatherapy!), at malinis, wala ng problema. Masaya na rin ako. 

Kaya para sa mga kulot na kagaya ko, huwag kayong malungkot, hindi tayo salot, tayo ay CUTE!. :) to see is to believe.. nyahaha LAKAS!

 




Saturday, May 7, 2011

Rhinitis acuta catarrhalis

                                         


Coming SOON! 
1
2
3
4
5
6
7
9
8
10...



Paksyet , nkka distruct ung picture kea nLagyan ku ng numbers pra mwaLa sya sa pningin ko hbang ako'y nagtatayp . hahahaha.. Pasenya na sa nailagay kong Picture..  Para may dating naman :D
      
Rhinitis acuta catarrhalis. ano raw??


Sa usapang masa – SIPON! Sinisipon ako!!. si Rhinitis Acuta Catarrhalis?? Sya ang bakteryang nagdudulot ng sipon.

AVR (Acute Viral Rhinopharygitis), maiba laang.
Maiba sa pandinig.. hehehe

****Kumusta ka na?

"Eto, feeling weak, I think I’ll be having an acute viral rhinopharygitis any moment now…
Naks.. ang talino mo naman.. hahahaha.. ampox.

O diba, astig!! At aminin mo, sosyal!

Hehehe..pero sa totoo SIPON lang ibig sabhin nyan.

Merong likido ang parang yoyo na labas-masok sa aking ilong. At Habang parang yoyo ang sipon ko sa ilong at feeling dramatic star naman ang aking mga mata, laging parang gusto lumuha… laging feeling api. Lagi na lang parang may mga mumunting lupon ng tubig ang namuuo sa gilid ng aking mga mata...at pagsigaw ni derek ng “ACTION”, sakto biglang tulo na laang ang mga luha, gugulong sa mga pisngi, sabay singhot….


Hhhaayy.. sipon. HATSING!!!

Na-obsebahan ko na mahirap yata ang humatsing ng naka-bukas ang mata. May nabasa ako o narinig matagal na panahon na rin ang nakararaan na imposible talaga yatang humatsing ang tao ng naka-bukas ang mga mata. Bakit? Kasi maaari raw tumalsik ang mga mata kung naka-bukas ang mga mata sa paghatsing. Kuya Kim Tama ba? hahaha

Aba ayaw ko namang subukan. Hindi pa ako handang makipagkapaan sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung totoo ito, pero ayaw kong subukan.



Sana wag nmn maging…Banana Split and Yummy Rocky Road Shake!! ("Plema")
Hahaha..

Kadiri tlga 2ng postq hehehe..

Hula Hoops!!






                        Napamangha aq sa aking napanuod sa Pinoy Got Talent.. whooo.. Nakakainggit at Gusto kong ibalik yung record kong 500 spins na walang tigil. :D *yabang, pero swear nagawa ko yun nung elementary ako* hahaha.. 
Syet! Kung subukan ko kaya Mag Hula Hoop.. magandang paraan yan to Lose Weight.. hmmm..:D

 

My Target:
Lose 10 lbs.

What to do:
Have an hour of hula hoops!

Hays, sana naman bumaba na ang weight ko dito. Hahahaha :))

ISKRAMBOL!!



Grabe na ... sobrang init ng pnahon!!!  waaaahhh... >_<
painit ng painit!!! Kesa mag-punas ng mag punas ng pawis at mamapak ng mamapak ng yelo dahil sa sobrang init na araw ay naisipan ko nalang munang mag-blog.

 ISKRAAAAAAMBOL!!!

hahaha. eto ang masarap na trip sa tag-init.

            Sino ba naman ang hindi makaka-kilala sa Classic na ito na ang iskrambol dati ito ay street food lamang na nilalako ni manong mag-iiskrambol.. pero ngayon nagiging sosyal na din nasa mall na hehe.. talagang pang masa ito. Ang Iskrambol ay gawa sa crushed ice na ang karaniwan o original na flavor ay strawberry na ang toppings lang ay powdered milk atchocolate syrup.



Ngayon may bersyon na nito na mas pinasosyal at pinamahal dahil sa mas magandang baso at mayroon ng marshmallows at kung anu anu pang topings na makukulay at sa malamig na pwesto nito sa mall. Pero iba pa rin tlga yung iskrambol noon. Yung tipong hahabulin mo si manong para sabihing "Manong Pabili ng Iskarmbol.. Limang Piso Lang":D hehe.




Ayan lang Para sa IsKramBoL.. Tara FOoD TRip..:D

Friday, May 6, 2011

NIGHT LIFE

Having been awake at the wee hours of the night? and having been asleep at the brightest shine of the sun during the day that made you experience how to live like a vampire?. And with the epistaxis getting from speaking straight English eight hours a day, five days a week? God, good luck to your red blood cells and hemoglobin.

            Call center, the greatest escape from unemployment for aspiring fresh graduates is not a bad start for building a career. First, it offers just compensation which is equal to or higher than the salary of other professions. Second, if you plan to take International English Language Testing Skills (IELTS) in the future for flying to English-speaking countries, call center is a good training ground. It has Quality Assurance (QA) department which continuously monitors and determines every agent’s room for improvement with regards to communication skills. Third, if you are determined enough to have the brightest future and is more than motivated to go beyond what is expected from you (being above the standard metrics), you can evolve from being a stressed call center agent to being the highest paid employee and a possibility of being the next supervisor of your team, next operations manager of your account or being the next and youngest president of your company.

            However, as optimistic as it seems, entering and living the call center industry is not that easy. You should have high emotional quotient strong enough to struggle frustrations and stress from not passing the metrics especially if you are still a newbie, and a firm emotion not to be moved when being shout at or cursed by an irate customer on the phone. And, if you are like me who is a racist to Americans, you should be patient to avoid becoming an irate agent who gets rude and condescending when being with a “slow” customer on the phone. And mind you, being patient and kind to difficult customers is a “major major” challenge. Gggggrrrr!!!

            If you have another choice, do not think of becoming one of those living the night life. If you are able to finish a four to five year course, being a call center agent is being underemployed, which in a way is unfair to you. If you are passionate enough to hold the profession you have been preparing for during your four to five year tertiary education, hold it and do not lose the grip. Do not waste those painstaking years just to let those “imperialists” exploit your cheap labor and more than qualified skills.

            Don’t wait for the day when doctors, nurses, teachers, engineers and lawyers are gone, when everyone finished with a degree is equipped with no more than a headset and a computer.   

Repost:  -adveturousscribe.. 

Point.

Some humans are naturally ambitious. We are simply insatiable. Even simpletons are not excempted.
     
       We want this. We want that. But the point of question is HOW?

           Oftentimes, we stare blankly at the wall thinking about our dreamland with our dream boy/girl in our dreamlife unknowing the great length of time spent for such daydreams. To dream is good. However, to dream forever is unrealistic. For us to make our dreams come into reality, we have to wake up.
           Life offers us a lot of open doors. It just asks us what among those 
doors should we enter. It challenges us what type of decisions whould we make.

            At this moment, the first thing we need is to courageously make a strong point and stand from it. What are your purposes in in life? What are your priorities? How far can you go once you have entered that open door?

             Have you ever asked yourself the question why are you living right up to this very moment? What makes you live? The answer is, your PURPOSES in life.
             Each of us has purposes in life. Some wants to become His good child. They want to become missionaries who spread His words or philantropists who help those that are most in need or just someone who would like to make this earth a better world. Others simply want to enjoy life at its fullest while they are alive. And definitely, most of us lives to become triumphant in hitting the championship of the game called life.

             Life purposes define the things we want to pursue and the things we can’t live without.
             The thrill does not end in knowing the things we like to happen in our lives. After we have determined our purposes, how long can we continue holding on to those purposes?

             Life is full of temptations. It has so many crossroads. It is so enigmatic. If we will not clear our minds, we will be lost in the puzzle. How to remove the dark cloud covering our purposes in our minds? PRIORITIZE.

             Life seems to be so complicated and setting priorities breaks it down into basics. Teach yourself how to define important from absurd. Accept the principle of discipline.


             We should always be reminded that time is a primary component of our lives. It is one of life’s limitations. Learn to say NO if you need so. Learn how to discipline your id. Be firm to your priorities. Put first things first if you really want to reach your dreams.

             The distance we can go after we have entered the door basically lies on how we mean our purposes and on how we keep our priorities. The distance lies on our HEART.

             If we really LOVE the point we made, we can stand from any storm. We can reach our destinations.

             Now start.

             Make a point. Leave a mark on the peak of the summit called success.


-Very Enlighten and Inspiring Blog.. from adveturousscribe..  


Pers BLaG ng InLAB

This is my PERS blog, i dont know how to start but, i just wanna share my own story (-english pa!?)

PERO!!
SA TOTOO LNG NDI KO ALM ILALAGAY D2 SA UNANG BLOG KO..ANO NGA BA??

hmm.. Tutal inLove nman Daw ako.. tungkol nlng sa LABLABAN ang una kong entry.. hahaha.. ampox.

ano nga b pkiramdam ng ngmamahal?? cgro nmn lht tau nkramdam n nyan..kng ndi pa..bt ndi mo sbukan?? hehe..

pano mo b msasabi kng inlove ka o bka “L” lng yn?? o kya bka infatuation lng yn..o bka crush mo lng..susubukan kong sgutin yn sa blog na ito base sa pgkakaintindi ko, pananaw at experience ko..

kung babae ka at mraming nanliligaw sau..at ndi mo alm kng cno pipiliin mo dhil lht cla ay mahal mo “daw” at ayw mong mkasakit..mdalas n gngwa mo eh wla kang pnipili..pgtpos after a few weeks may boyfriend ka ng iba at wla xa dun sa listahan nung mga nanligaw sau.. :D pro sa pananaw ko sa desisyon n yn..marahil wla tlga syang mahal dun sa mga nanligaw s knya.

at kng ikaw nmn lalake..ligaw k ng ligaw ng kng cno2 jn sa tabi..at kng cno2 ang ksma mo n babae..tpos mgtataka ka kng bt ayw ka pgtiwalaan nung mga nililigawan mo..tpos bgla kang mgiging emo at sasabhin mo na “wlang ngmamahal skn” eto pa “kawawa nmn ako”..hehe.

mrami basehan kng pano mo dw mlalaman n pgmamahal dw ang nararamdaman mo..sbi nla.. pgkaya mo n dw ibigay ang lahat pra dun sa tao n un..pgmamahal dw un..sbi nung iba..pg kaya mo n ipagpalit lht ng importanteng bagay pra sa pra dun sa tao n un..pgmamahal dw yn..ang sbi ko nmn..pg naibigay mo n ang lht ng kaya mong ibigay at ndi ka nghintay ng kpalit..pgmamahal yn pra skn..–(-opinyon ko yn ha-)

although ndi ko nmn cnsbi n tama ako at mali ung iba..nsa tao nlng un kng pano nya bibigyan ng importansya ang taong mahal (-kng pgmamahal nga b yn-)..cgro naicp nyo kng bkt gnun ung pananaw ko..ako rin nung una npaicp..pro nung ngkaron lalo ng muwang ang icpan ko naicp ko kng bkt gnun nga b ang pananaw ko 2ngkol sa pgmamahal..marahil ito ay base sa mga taong nkapagbahagi sa akin ng pagmamahal..

so sa mga ngmamahal jn (- kng ngmamahal nga o bka png Front lng yn??-)..ang payo ko lng eh..maging totoo lng kau sa srili nyo..wg plastic...

at kng ndi mo nmn alm kng ngmamahal ka..ang payo ko nmn eh..sundan mo ung puso mo at gmitin mo ang utak mo pra masunod ang gusto ng puso mo.. :D