Sunday, May 8, 2011

Miley Curlz

Nagtataka ka siguro kung saan patungkol ‘tong entry na to. Di ko rin alam e, wala kasi akong maisip na topic na mai-she-share ko ngayon. Bakit ba naman kasi ipinanganak akong bored na bored sa buhay e. *buntong-hininga.. Kamuka q ba yung nasa Picture? hahaha.. wala nmn masama mangarap ng katulad ng buhok ni Miley Cyrus..

Ano bang gusto mong malaman at nagbabasa ka ng kung kani-kaninong blog? Wala ka ring magawa no katulad ko?? Hahaha.

Hmmm.. Eto nlng mgnda ishare para sa mga hindi nkakaalam.. kaya q naman nailagay ang picture na yan kxe..

“Frustrated ako sa kulot kong buhok.”
(Sana Instant nlng ang pagkakulot ng hairq katulad kay miley)

Alam mo ba kung gaano kahirap magkaroon ng kulot na buhok? Ewan, lahat naman siguro, di kuntento sa buhay. May mga straight nga na nagpapakulot pa e, sana nagkapalit na lang kami.
Ang haba-haba na nitong buhok ko, at malapit na ulit syang bumalik sa dati. Lumalabas na ang Sumpa. Haha:)) 5 months palang na rebonded ‘to e, ang daya, dapat 7 months to tumagal. Kung sabagay tumagal nmn ang pagkarebond.. problema.. angbilis humaba ng aking buhok. Haist!:))

Kawawa nmn yun buhok ko.. sa katunayan.. nkaka APAT na beses na ako nakapag pa rebond.. ilang libo na din ang aking nawawaldas ng dahil lang sa Buhok ko.. Isa pa it takes an Hour para lang maayos ko ang buhok ko pero kahit anung gawin ko dito lalabas at lalabas pa dn ang tatak ng sumpa.. Alam ko nmn solusyon sa problema ko e. it ay ang Pag paparebond Ulet.. haist! Nkakapagod un ahh yung mag hhintay ka ng anim hanggang walong oras sa parlor.. Hindi un biro., Try mo.. hahahaha.. 

Ang sabi ng iba, yung maaarte lang daw ang nagpaparelax at rebond ng buhok. Yung mga taong hindi kuntento sa sarili nila. Bilang pagtanggol sa mga nagpapatuwid ng buhok , ang sabi ko naman, hindi iyon kaartehan. Gusto lang nila na maging maganda at iyon ay masarap sa pakiramdam. 

Napaisip na naman ako. Ano ba ang pakialam nila sa kulot kong buhok? Sa kulot naming buhok? Wala. Hindi naman sa kanila ito at hindi kailanman mapapasakanila! kahit ano pa man ang itsura ng aking buhok. Basta para sa akin, lagi lang itong mabango (mabuhay aromatherapy!), at malinis, wala ng problema. Masaya na rin ako. 

Kaya para sa mga kulot na kagaya ko, huwag kayong malungkot, hindi tayo salot, tayo ay CUTE!. :) to see is to believe.. nyahaha LAKAS!

 




No comments:

Post a Comment