Marami tayong gusto na hndi pwede. Marami tayong hiling pero indi laging ibinibigay. Maraming kilos na indi matapos-tapos. Maraming kuwit (,) pero nauuwi sa tuldok(.)
Malimit kong makita at mabasa yung sikat na sikat na ‘May tamang oras at panahon ang mga bagay’, mga paalala para sa mga taong nagmamadali at indi makahintay. Payo sa mga mabilis tumakbo. Biro sa mga bumubulusok paitaas.
Hndi naman daw kailangang magmadali para makuha ito. Ang byahe bago ito makuha ay pwedeng ikumpara sa rollercoaster ride. Nakakakaba sa umpisa. ibabaliktad ang sikmura mo sa paikot-ikot nito. At kahit na hilo at sumakit ang katawan mo rito, ang pakiramdam na kakaiba dun ito malalaman sa oras na matapos ang ride.
Sabi nila, may premyo daw ang mga pasensyoso/a. At ang mga taong ito ang siyang nakakamit ang pinakamatamis na tagumpay.
Hindi naman kasi biro ang maghintay. Lalo na’t walang kasiguruhan at walang malinaw na sagot sa hinihintay. Diba, sabi nga rin nila, ‘Kung wala ka namang mapapala, wag mo nang pag-aksayahan ng panahon.’ Kaya, bakit pa nga ba? Bakit mo sasayangin ang mga importanteng segundo, minuto at oras mo sa paghihintay sa wala; Eh kung susubok ka naman sa ibang bagay, baka may mas tsansa pa na makamit mo ang hinihintay?
Siguro dahil na rin sa dami ng ‘sabi nila’ sa buhay na ito, mas maganda na lang sigurong isipin na maging handa na lang tayo sa kung ano ang pwedeng mangyari.
Na masasaktan sa mga indi napakinggang hiling.
Na mamumuti ang mata mo sa paghihintay sa wala.
Na minsan akala mo sa’yo na sabay binawi pa.
Na kahit ano’ng hirap at sakit na sinakripisyo mo para makamit ang isang bagay, kailangan mong tanggapin na hindi ito para sa’yo.
Na kailangan nating maging matatag na harapin ang mga bagay at sitwasyon sa buhay natin at indi mawawalan ng pag-asa na darating at darating din ang pagkakataon na makukuha natin ito…
Habang tumatagal, lalong nagiging kumplikado. Indi ko alam kung nagiging matalino ba ang tao sa bawat pagsubok o mas prone sa mas marami pang pagkakamali.
Hindi naman nakakasama sa kalusugan ang pakikinig sa mga ‘sabi nila’, aminin natin, nakakatulong din ito sa pagtanggap ng katotohanan na minsan ayaw nating tingnan kasi masakit. But at the end of the day, what matters is what you really want. Yun lang yon. Basta’t kaya mo, goow lang ng goow. Wala namang masama na sumubok.
Hindi naman nakakasama sa kalusugan ang pakikinig sa mga ‘sabi nila’, aminin natin, nakakatulong din ito sa pagtanggap ng katotohanan na minsan ayaw nating tingnan kasi masakit. But at the end of the day, what matters is what you really want. Yun lang yon. Basta’t kaya mo, goow lang ng goow. Wala namang masama na sumubok.
Harrah's Philadelphia Casino & Racetrack - Mapyro
ReplyDeleteHarrah's Philadelphia Casino & Racetrack is Philadelphia's closest casino with over 정읍 출장안마 7000 slot machines and over 2000 동해 출장샵 table 사천 출장마사지 games. 거제 출장마사지 Location, 의정부 출장샵 location map,