Ang sa akin lang: Ito ay pawang obserbasyon lamang at base sa mga karanasan at karanasan ng malalapit na kaibigan. Kung ikaw ay lalake, makakatulong ito sa iyong pananaw at kung ikaw ay babaing malawak ang isip, makakatulong din ito pero kung ikaw ay pikon…walang personalan..:)
Masaya kang babae ka.
Pagkapanganak palang sa’yo ni inang reyna, awtomatik na ginawa ka nang prinsesa ng buong kaharian ng bahay. Swerte kung wala nang isa pang prinsesitang dumating kung meron ok lang naman, Kumbaga sa panganay at bunso, pag nag-iisa kang babae…paborito ka ni tatay. Iwas palo ka kay nanay dahil hebigats ang kakampi mo, banggain nila ang haligi ng tahanan ewan ko lang.
Sabi nila, ang mga babae daw ay pabago-bago ng isip. Umoo na kanina, wala pang limang minuto binabawi na nito ang sinabi. At may kung anu-anu pang dagdag na sasabihin.
Mashadong maselan. Ayaw kumain sa karinderya o gotohan na nakapwesto sa gilid ng mga nakaparadang pampasaherong sasakyan. Ayaw maglakad pag mainit lalo na pag naulan. Ayaw maupo kung saan-saan. Ayaw ng sinisiksik. Ayaw ng nadadantayan o kahit na madikitan. Ayaw nang pinipilit lalo na kung indi kagandahan ang lugar na pupuntahan.
Demanding. Gustu laging nasusunod ang layaw. Lagi dapat pagbigyan at pakikinggan. Pag indi mo ginawa ang gustu, parang armalite ang bibig…bratatat ng bratatat parang nanay na nanenermon tuwing umaga. Kung anu ang maisip gawin, yon ang kailangang nasa unahan ng listahan.
Bintangera/Dudera. Konting bagay binibigyan ng kahulugan. Mahilig mag-ungkat ng tapos na. Hukay ng hukay kahit na agnas na sa katagalan ang isyu, sige pa rin ito sa kakabratatat. Makita lang na me kausap ka at mabanggit na pangalan ng babae parang telenobelang inabot ng limang taon sa tagal ng pagsasalita.
Imbestigador. Kakalkalin lahat mula friend’s list sa social network accounts, cellphone, wallet, bag, pabango, kikay kit (uo, me lalaking meron neto), pati laman ng ipod (baka nasa favorites mo pa rin kase ang theme song n’yo ng ex mo way back 10 years ago…musta na naman). haha
Your mother’s advocate. Daig pa si mader kung makatanong ng mga lakad. Oras ng uwi. Sinu ang kasama (baka naman me mga babae pa kayong kasama ha? Tipong kala mo biro pero seryoso pala.) Ang panenermon, walang pinag-iba ke mader…edad lang at wrinkles ang kaibahan. Minsan mako-confuse ka na kung ina mo ba o ina ng anak mo ang karelasyon mo kasi same-same lang. Okay na sana kasi kasing-galing ng nanay mo pagdadating sa pagluluto eh pati pag-aalaga sa’yo pero pati yata nanay mo kuhang-kuha, parang clone na niya.
Mayaman. Dahil sa kanya, yayaman ka. Oo, yayaman ka sa utang. Kabibili nito ng kung anu-anu na “kailangan” daw niya, ni baby, at sa bahay.. pampaswerte, nakita daw niya sa bahay ni kumare, matagal na raw niya pinapangarap magkaron ng ganito-ganyan, at marami pang iba. Shempre, mahal mo eh. At para naman kasing me choice ka, pag humindi ka…papangit ang mood nito at magsasa-toyo na siya buong araw hanggang sa pumayag ka. Parang blackmail lang. Pero pag oo ka agad, bigla kang magiging pogi, mabait, swerte siya sa’yo at ikaw ang nakatuluyan niya, meron kang “bonus” mamaya pag-uwi, super mega maasikaso siya sa’yo at kulang na lang halikan ang iyong talampakan. Mga ganung bagay ba.
Nostradamus. Indi mo pa ginagawa, meron na siyang konklusyon para dito. Para bang in born talent niya ang magbasa ng pyutyur. Kung gayon, anu pang silbi ni Madam Auring at Jojo Acuin kung narito na mismo sa bahay n’yo ang pinakamagaling na manghuhula in town?
Indi ka na gagastos pa para pumunta sa Quiapo at maupo sa harap ng mga fortune teller dun o kahit magchaga na silipin ang horoscope sa dyaryo kung tuwing umaga bago ka umalis eh meron ka nang daily dose nito kasabay ng almusal mo?
Taga-palaman. Ang sinasabing numero uno sa pag-ispred ng cheeeeese (chismis) next to Boy Abunda. Sinu ba ang madalas na nakikita n’yo sa labas ng bahay kausap ng mga Cheese-makers habang nagwawalis, Kung meron umpukang sunog baga sa kabila, neber nawawala miski sa harap ng tindahan ang mga sari-saring kuru-kuro ng mga maybahay na malimit napapansin ang mga bagay-bagay sa paligid nila bukod sa showbiz. At indi lang yan, kahit saang lupalop ng lugar…merong “girl talk” na nagaganap. Shempre, cheesers circle lang yan iikot.
Pero mas marami pa dyan ang advantage at positive side ng pagiging babae. (Tama? tama!!)
Kung walang babae, wala rin tayo, tama?
Kung walang babae, walang direksyon ang buhay. Walang matiyaga at malimit na magpapaalala ng mga dapat at indi dapat gawin. Ang unang magtuturo bilang magulang ng mga tama at mali at magtutuwid ng mga ito katulong ng ating ama.
Kung walang babae, magulo ang bahay. Kahit pa sabihin n’yo na maiingay sila habang naglilinis…at the end of the day, mag-aasikaso pa rin ito ng kakainin at isusuot kinabukasan. Indi nila kayang tiisin na gawin ang mga bagay na ito para sa mahal sa buhay.
Kung walang babae, walang magbabadyet. Ang hirap kayang pagkasyahin ang sweldo ni tatay para hatiin sa lahat ng gastusin sa bahay. Nakasalalay sa maayos na paghahanay na matugunan lahat ng pangangailangan.
Pag nagakakasakit, sinu ba ang madalas na nandyan? Ang babae diba? Si nanay, si tita, si ate….ang matiyagang nagbabantay at nag-aalaga.
Likas sa babae ang pagiging maalaga, nurturing, being the softer side. Mas pumapangibabaw ang pagiging ina/babae sa anumang aspeto ng pagdedesisyon. Emosyonal at kahit na gaano katigas ang paninindigan, umiiral pa rin ang pagkababae nito. Oo nga’t maiingay, mahilig manermon, nagger, laging kunsumido…alam naman nating lahat na nagpapaalala lang ito sa tuwinang gagamitin ang power of mouth. Kapag maingay na kasi, awtomatikong napapasunod ka na lang. Sinu ba rito ang indi narindi sa ingay ni nanay sa loob ng bahay lalo na pag nahahayblad ito sa kakulitan natin?
Diba’t minsan, kapag wala ka na sa poder nila maaalala mo palagi ang mga paalala nito na kahit na sa pagitan ng tinis ng boses, na-gets mo yung gustu nilang sabihin? Yung message na gustu nilang magpenetrate sa utak natin?
Yun lang naman ang goal nila eh. Yung pakinggan at intindihin dahil alam nila kung anu ang mas makakabuti. Dahil walang ina’ng nag-isip na mapahamak ang mahal sa buhay. Yan ang babae. Isa na marahil sa purpose ng pagiging isang babae ang maging isang ina. Mabuting maybahay. Ang maging better half. Ang umalalay at sumuporta.
To be that woman behind that successful partner.
Mapa-lalaki o babae, may kanya-kanyang flaws. Indi naman mawawala yan eh. Kaya nga we learn from it day by day.